Nuffnang ads

03 November 2014

Mukha ng Pasko




Ibat-ibang paraan at pagdiriwang sa 
pag gunita sa araw ng kapaskuhan. 
ang tuwa at kasiyahan ay ayon 
sa kalagayan ng buhay
may marangya at simpleng pagdiriwang.


nagsisimba ang bawat pamilya,
puno ng iba't-ibang klase ng prutas 
at pagkaing matamis ang mga 
hapag kainan na sama samang 
pinagsasaluhan ng bawat pamilya 
sa noche buena.

Marami ring mga regalo at aguinaldo 
para sa mga mahal sa buhay 
at para sa mga inaanak.

nakakalungkot mang isipin 
may mga kababayan parin tayong 
nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay
may mga puno ng pagsubok,
suliranin at kahirapan sa pinansyal.


May nagsasabing ang Pasko’y isang panahon 
at pagkakataon na ang mga Pilipino ay 
nagpapahayag at nagpapakita 
ng kanilang Christian values 
tulad ng pagkakawanggawa, 
pagbibigayan o pagbabahagi ng mga biyaya 
sa kapwa lalo na sa mga mahihirap, 
kapus-palad at mga biktima ng kalamidad.

Sa mga nawalan ng mahal sa buhay, 
ang Pasko’y maghahatid ng 

pangungulila. Maaaring may 
ngiti sa labi ngunit sa puso at 

damdamin, naroon ang nakatagong 
pait at kalungkutan. 
Isang panahon ng pagsasaya ang Pasko 
subalit hindi mapipigil na pagluha sa 
mga nawalan ng mga mahal sa buhay.


Anuman ang mukha at kahulugan ng Pasko sa bawat isa, 
ang diwa nito na naghahatid ng Pag-ibig, 
Pag-asa at Kapayapaan ay hindi nagbabago. 
Laging nasa puso ng bawat taong marunong magmahal 
sa kapwa at may pananalig sa Dakilang Mananakop :)